Monday, 2 January 2012

“New Year’s Resolution – January Trend”

Bagong taon,  Bagong buhay.
Dahil January na naman, asahan mo. Trending na naman ang resolution na hindi naman natutupad.

Eto yung mga Kadalasan mong maririnig.

1.       DIET
Dahil kakatapos lang ng matinding kainan nung Christmas at New year, natural na nag gain ng timbang ang mga tao.  Kaya iniisip nilang mag diet ngayon, pero hindi yan masusunod, dahil “MAS MASARAP KUMAIN KESA MAGUTOM”

2.       IPON
Naubos na ang pera nung December dahil sa dami ng inaanak at pinambili na ng regalo at malamang pati crush mo, binigyan mo ng regalo o kaya naman ang lakas ng loob mo makipag date para lang magpa impress. Buti pa yung taong gusto mo, nabibigyan mo ng regalo, eh yung parents mo? Wala. Pakitang gilas sa ibang tao pero asa naman sa magulang.

At  Naisipan mo na ring mag ipon dahil BAGONG TAON, MARAMING USO. Maglalabasan na ang new gadgets, clothes, shoes at kung anu-ano pa kaya aligaga ka na namang mag ipon.

3.       PAGTITIGIL NG BISYO
Honestly, mahirap pigilan yan. Kung talagang Sunog baga ka na maya maya ka kung manigarilyo, wag ka ng umasa na maititigil mo agad yan. Pati ang pag inom mo OCASSIONALY, lalo na at kung ang okasyon eh, linggo linggo.

Jusko. ANG RESOLUTION, PANG BUONG TAON, HINDI PANG ISANG BUWAN.

Kung gusto mo talaga magbago, hindi mo naman kaylangan pang intayin ang New Year. At ang pagbabago, dedicated ka sa gagawin mo.

No comments:

Post a Comment