May nagtanong sakin nito, May isinagot ako at sinabi nya sakin.
“Kung alam mo ang dahilan, hindi yan totoong pagmamahal at pag nawala yang dahilan na yan, wala na rin ang pagmamahal na sinasabi mo”
Tama nga bang pag alam mo ang dahilan, hindi na totoo?
Mali ba na ang sagot ko ay “mahal ko sya dahil pinagkakatiwalaan ko sya”?
Honestly, Mawawala talaga yung love na yon pag nasira yung trust na yon sa isang tao.
Pati yung kaibigan ko nakisagot na rin at ang sabi naman nya
“Mahal ko sya dahil sakanya ko lang naramdaman yung ganitong saya”
Hindi ko alam kung may tama o maling sagot sa tanong na yan.
Pero dahil sa paniniwalang “pag may sagot diyan, hindi yan totoo” marami ang nagiging tanga.
Pano ba naman, famous line na ata ang “hindi ko alam ang sagot basta mahal kita”
Nakakakilig dba? Pero pag iniwan ka o niloko, grabe mo isumpa yang ex mo.
Eh ikaw, Bakit mo siya mahal?
I didn’t mention any name pero malamang yung una mong naisip, NAPAPASAYA ka
At kung wala na kayo, siguro naman NAPASAYA ka nya.
Napakaraming tanong na hindi natin alam kung may tamang sagot o wala,
When it comes to love, nasa atin na ang sagot na yon dahil tayo naman ang nakakaramdam.
No comments:
Post a Comment