Stalking –
Eto yung kadalasan ginagawa ng mga single .
Pinagkaiba ng Stalking your Past Girlfriend/ Boyfriend and Stalking your Crush.
(Using Facebook)
1. Photos of your:
Ex – iisa-isahin mo lahat ng album nya at icheck mo kung naroon pa rin yung pictures ninyo at kung wala na, titignan mo kung sino na ang mga bagong kasama niya at mabibitter ka dahil makikita mong napakasaya niya kahit wala ka.
Crush – sa sobrang gusto mo siya, updated ka rin sa Photos niya at yung pinaka gusto mong picture, ilalagay mo sa phone mo at i-set mo pa as wallpaper, palagi mo pang pipindutin yung keypad or screen para umilaw lang ulit ang phone mo at Makita ang picture nyang nakangiti, iisipin mong sayo sya nakangiti at kilig na kilig ka sakanya.
Kung magkaibigan naman kayo at may group picture kayo na katabi mo sya, pipilitin mong i-crop yan, para magmukang picture nyong dalawa.
2. Relationship Status:
Ex – tuwang tuwa ka kung wala ka pang kapalit agad pero kapag may nakita kang nakalagay don halos mamatay ka na sa sobrang inis at for sure, tadtad ng lait sayo ang bago niyang jowa at kung mas lamang naman sayo, iisipin mo na mas mabait ka naman at hindi sila magtatagal.
Crush – Kung single sya, Masaya ka pero Mas Masaya ka sa iniisip mo na mag change stat sya na “in a relationship with (your name)” .
Kung naka “in a relationship” sya pero walang pangalan, hahalughugin mo yung buong profile nya, malaman lang kung sino yon. At kung may nakalagay naman na name, i-add mo ang bf/gf nya, malaman lang ang buong pagkatao tapos ikukumpara mo na yung sarili mo sakanya at iisipin na karibal mo na sya sa crush mo. Nag-iisip ka pa ng way pano mo sya malalamangan.
3. Status and Posts:
Ex – as usual, nag-aassume ka na meron about sayo, yung namimiss ka nya.
Titignan mo pa kung may about sa new love nya. At malamang sa malamang, ni-like mo pa yung mga post nya tungkol sa bago nya kasi akala mo maloloko mo syang Masaya ka para sa kanila pero deep in side, halos maibato mo na yung mouse sa gigil at inggit sakanilang dalawa.
Crush – ikaw ang number one na nag – like at taga comment nya. At halos pumalakpak ang mga tenga mo kung mababasa mo ang post nya na hindi na sila okay ng jowa nya. Kapag napaka – sweet naman nila, ikaw na ata ang pinaka masamang tao dahil sa sobrang brutal ng iniisip mo dahil nabibwisit ka sa jowa nya.
4. Alternative Name:
Ex – kung sya yung type ng taong nilalagay ang name ng jowa nya as his/her alternative name. bwisit ka na naman sa buhay mo.
Crush - wish mo na sana pangalan mo ang nakalagay don at iniisip mo na ring i-dugtong sa pangalan mo ang surname ng crush mo. (Reminds me of a friend)
Or kahit Initials lang ng name nya ilalagay mo sa alternative name mo.
5. Chat box:
Ex- inaabangan mo syang online. Mangangamusta ka pero gusto mo lang sabihin nya sayo na namimiss ka din nya.
Crush – Napakatagal mong nakatambay sa profile nya pero kapag online na sya, hindi mo naman kayang i-pm. Kunwari, magpapalike ka nalang ng mga page o pictures kasi hindi mo alam kung pano sisimulan ang pakikipagkilala. At kung magkakilala naman kayo, pormal pormalan ka naman sakanya.
(Outside Facebook)
6. Pagkikita:
Ex- sasadyain mo pumunta sa mga lugar na tambyan ninyo na alam mong lagi niya pinupuntahan para lang Makita sya at magkukunwari kang hindi mo inaasahan na magkikita kayo pero alam mo talaga ang buong sked nya.
Crush – inaalam mo ang buong sked nya at talagang prepared ka sa pagkikita nyo at kung paminsan minsan, haharang ka pa sa hallway para lang mabangga at maamoy mo sya. Maaga ka pang papasok at pepwesto sa may bintana para lang maabangan mo ang pag daan nya, napakasaya na ng buong araw mo. I-gm mo pa sa mga kaibigan mo ang eksena mo sa crush mo.
Kapag Crush mo yung sinusubaybayan mo, Napakasaya mo. Pero kapag yung Ex, hindi ko alam kung torture or para matanggap mo lang na wala na talaga kayo at dapat ka ng mag move on kaya ginagawa mo yun.