Thursday 28 June 2012

The Best Boy Friend Ever


Meron ba kayong best friend na mas gwapo pa sa boyfriend nyo pero mas malandi pa sa inyo?

oh well, I have one.

Siya yung tipo ng tao na aakalain na boyfriend mo dahil kayo lang ang magkasama pag nag mall.

pero siya rin ang namimili ng damit, sapatos at make-up mo.

Siya yung mas marami pang poging crush, at malamang, mas gwapo pa yung mga crushes nya kesa sa mga crush mo.

Eto yung magtetext sayo ng hating gabi  para sabihinh buntis siya.

Siya yung tipo ng taong malungkot ka na nga, aawayin ka pa pero malalaman mong ginagawa lang niya yun para tumigil ka na sa pag-iinarte mo.

At siya rin yung biglang mag tatransform pag may manyakis na lumapit sa inyo.

he has the heart of a girl but the personality of a real man :)

I'M BACK :)

I'M TOTALLY BACK. I'LL BLOG AGAIN, AFTER READING MESSAGES AND COMMENTS. I'M NOT EVEN AWARE THAT SOME PEOPLE ARE REALLY READING MY POSTS. HAHA.


AND I'LL MAKE IT IN ENGLISH SINCE MY LOOKBOOK FRIENDS WANT TO UNDERSTAND WHAT I'M REALLY TRYING TO SAY :)


LOOKBOOK FRIENDS: HELLO SEXY AND FASHIONABLE PEOPLE :)




-R :D

Tuesday 28 February 2012

Hobby and Feelings

My Hobby is customizing my desktop and putting my Feelings into Colors.
I end Up Combining those two.  Twice or Thrice a week, I change my Desktop depending on my mood.



When I Grow Up …….

When I grow Up I want to be a journalist/ doctor/ teacher/ nurse/ police/ soldier or firefighter -- The usual answer of any kid.

Well, mine is Different,

When I was a kid, I always wanted to be…..

An Angel – That’s why I keep on praying and trying to be a good little girl.
(Hey, it’s cool to have wings and fly with your pretty white dress)
Or
A Mermaid – always keeping my self wet and wishing to have a mermaid tail.
Unfortunately, none of those happened.

Just One Smile.

Ang daming epekto ng ngiti.

Smile from your Crush -- Makita mo Lang siyang nakangiti kahit hindi naman sayo, tuwang tuwa ka na.

Smile From your Enemy –  Sobrang Maiinis ka at aakalain mo na may iniisip siyang masama sayo at kahit maganda naman ang kanyang ngiti, para sayo, napaka panget at napaka salbahe na agad nya.

Smile From your Friends – Kadalasan, Kalokohan lang ang Meaning bakit sila biglang tititig sayo at ngingiti nalang. At Kala mo, Little Green Men (Toy Story Character) kayo na may UNIMIND.  Bigla nalang papasok sa utak mo yung iniisip ng mga kaibigan mo at matatawa ka na rin. Tumingin ka sa palagid at baka nandiyan lang yung dahilan bakit sila napapangiti.

Smile From your Parents – Minsan lang to mangyari lalo na pag sakit ka sa ulo ng magulang mo kaya achievement na yan, may nagawa kang Maganda pag napangiti mo sila.

Smile From your ex – Masaya siyang Makita ka o nang-aasar kasi Masaya siya sa bago nya.

Smile From Someone You Don’t Know – Dalawa Lang yan May Tama sila sayo O May Mali sayo.

Kapag May Tama Sila sayo , Manyak yan o kaya Gusto ka  lang talaga nila pero Kapag May Mali sayo, katawa-tawa kang tignan.
Smile from your Love – Kahit pagod na pagod ka na dahil sa tagal na inintay mo siya o kaya naman sinadya mo pa siyang puntahan kahit napakalayo pero pag nakita mo na yung Famous Smile niya, sobrang okay na. Energetic ka na ulit.Ang daming epekto ng ngiti.

Smile from your Crush -- Makita mo Lang siyang nakangiti kahit hindi naman sayo, tuwang tuwa ka na.

Smile From your Enemy –  Sobrang Maiinis ka at aakalain mo na may iniisip siyang masama sayo at kahit maganda naman ang kanyang ngiti, para sayo, napaka panget at napaka salbahe na agad nya.

Smile From your Friends – Kadalasan, Kalokohan lang ang Meaning bakit sila biglang tititig sayo at ngingiti nalang. At Kala mo, Little Green Men (Toy Story Character) kayo na may UNIMIND.  Bigla nalang papasok sa utak mo yung iniisip ng mga kaibigan mo at matatawa ka na rin. Tumingin ka sa palagid at baka nandiyan lang yung dahilan bakit sila napapangiti.

Smile From your Parents – Minsan lang to mangyari lalo na pag sakit ka sa ulo ng magulang mo kaya achievement na yan, may nagawa kang Maganda pag napangiti mo sila.

Smile From your ex – Masaya siyang Makita ka o nang-aasar kasi Masaya siya sa bago nya.

Smile From Someone You Don’t Know – Dalawa Lang yan May Tama sila sayo O May Mali sayo.

Kapag May Tama Sila sayo , Manyak yan o kaya Gusto ka  lang talaga nila pero Kapag May Mali sayo, katawa-tawa kang tignan.

Smile from your Love – Kahit pagod na pagod ka na dahil sa tagal na inintay mo siya o kaya naman sinadya mo pa siyang puntahan kahit napakalayo pero pag nakita mo na yung Famous Smile niya, sobrang okay na. Energetic ka na ulit. 

Halaw sa Tunay na Buhay

Ang Taong Makulit, Mas matinong kausap pag nagseryoso, Kadalasan, sila pa ang nakakatulong sayo dahil magugulat ka sa mga advice nilang di mo inaasahang maiisip nila.
Ang Taong Malandi, takot maiwanan at mag-isa. Kaya hindi sila nag stick lang sa isang tao.
Ang Taong Prangka, takot masabihan ng katotohanan kaya inuunahan na nila yung ibang tao para hindi mapupuna ang kanilang mga mali.

Thought for the day:

Trust is like Virginity. You just don’t give it to anyone.

Movie Marathon


Got my Movie List from http://lookbook.nu/ :)
Asked them what movie to watch.

and I got the best 4 films that made me cry (SO FAR)


1. SPECIAL
2. THE BOY IN STRIPED PAJAMAS
3. KOIZORA




4. INTO THE WILD 









Thursday 5 January 2012

Painful Remedy

Dealing with Sadness.


Advice from my friends.

"Sadness is to Sadness, when you're in pain, think of sad thoughts" -- H.D. 


 "Lahat ng nagpapaalala sakanya, gawin mo, masakit talaga pero effective yan" G.D.


Torture? YES! Effective? YES.


Hindi naman kaylangan lahat ng advice nakakagaan agad sa pakiramdam, yung iba doon, dapat munang isipin, at ikaw na mismo ang makaka-isip kung anong dapat gawin.


Tuesday 3 January 2012

“Stalking the Past and the Future (in your dreams)”

Stalking –
Eto yung kadalasan ginagawa ng mga single .  

Pinagkaiba  ng Stalking your Past Girlfriend/ Boyfriend and Stalking your Crush.

(Using Facebook)

1.       Photos of your:
Ex – iisa-isahin mo lahat ng album nya at icheck mo kung  naroon pa rin yung  pictures ninyo at kung wala na,  titignan mo kung sino na ang mga bagong kasama niya at mabibitter ka dahil makikita mong napakasaya niya kahit wala ka.

Crush – sa sobrang gusto mo siya, updated ka rin sa Photos niya at yung pinaka gusto mong picture, ilalagay mo sa phone mo at i-set mo pa as wallpaper, palagi mo pang pipindutin yung keypad or screen para umilaw lang ulit ang phone mo at Makita ang picture nyang nakangiti, iisipin mong sayo sya nakangiti at kilig na kilig ka sakanya.
Kung magkaibigan naman kayo at may group picture kayo na katabi mo sya, pipilitin mong i-crop yan, para magmukang picture nyong dalawa.

2.       Relationship Status:
Ex – tuwang tuwa ka kung wala ka pang kapalit agad pero kapag may nakita kang nakalagay don halos mamatay ka na sa sobrang inis at for sure, tadtad ng lait sayo ang bago niyang jowa at kung mas lamang naman sayo, iisipin mo na mas mabait ka naman at hindi sila magtatagal.

Crush – Kung single sya, Masaya ka pero Mas Masaya ka sa iniisip mo na mag change stat sya na “in a relationship with (your name)” .
Kung  naka “in a relationship” sya pero walang pangalan, hahalughugin mo yung buong profile nya, malaman lang kung sino yon.  At kung may nakalagay naman na name, i-add mo ang bf/gf nya, malaman lang ang buong pagkatao tapos ikukumpara mo na yung sarili mo sakanya at iisipin na karibal mo na sya sa crush mo.  Nag-iisip ka pa ng way pano mo sya malalamangan.

3.       Status and Posts:
Ex – as usual, nag-aassume ka na meron about sayo, yung namimiss ka nya.
Titignan mo pa kung may about sa new love nya.  At malamang sa malamang, ni-like mo pa yung mga post nya tungkol sa bago nya kasi akala mo maloloko mo syang Masaya ka para sa kanila pero deep in side, halos maibato mo na yung mouse sa gigil at inggit sakanilang dalawa.

Crush – ikaw ang number one na nag – like at taga comment nya. At halos pumalakpak ang mga tenga mo kung mababasa mo ang post nya na hindi na sila okay ng jowa nya. Kapag napaka – sweet naman nila, ikaw na ata ang pinaka masamang tao dahil sa sobrang brutal ng iniisip mo dahil nabibwisit ka sa jowa nya.

4.       Alternative Name:
Ex – kung sya yung type ng taong nilalagay ang name ng jowa nya as his/her alternative name. bwisit ka na naman sa buhay mo.

Crush -  wish mo na sana pangalan mo ang nakalagay don at iniisip mo na ring i-dugtong sa pangalan mo ang surname ng crush mo. (Reminds me of a friend)
Or kahit Initials lang ng name nya ilalagay mo sa alternative name mo.

5.       Chat box:
Ex- inaabangan mo syang online. Mangangamusta ka pero gusto mo lang sabihin nya sayo na namimiss ka din nya.

Crush – Napakatagal mong nakatambay sa profile nya pero kapag online na sya, hindi mo naman kayang i-pm. Kunwari, magpapalike ka nalang ng mga page o pictures kasi hindi mo alam kung pano sisimulan ang pakikipagkilala. At kung magkakilala naman kayo, pormal pormalan ka naman sakanya.

(Outside Facebook)

6.       Pagkikita:

Ex-  sasadyain mo pumunta sa mga lugar na tambyan ninyo na alam mong lagi niya pinupuntahan para lang Makita sya at magkukunwari kang hindi mo inaasahan na magkikita kayo pero alam mo talaga ang buong sked nya.
Crush –   inaalam mo ang buong sked nya at talagang prepared ka sa pagkikita nyo at kung paminsan minsan, haharang ka pa sa hallway para lang mabangga at maamoy mo sya. Maaga ka pang papasok at pepwesto sa may bintana para lang maabangan mo ang pag daan nya, napakasaya na ng buong araw mo. I-gm mo pa sa mga kaibigan mo ang eksena mo sa crush mo.

Kapag Crush mo yung sinusubaybayan mo, Napakasaya mo. Pero kapag yung Ex, hindi ko alam kung torture or para matanggap mo lang na wala na talaga kayo at dapat ka ng mag move on kaya ginagawa mo yun.

Monday 2 January 2012

“Bakit mo mahal?”

May nagtanong sakin nito, May isinagot ako at sinabi nya sakin.

“Kung alam mo ang dahilan, hindi yan totoong pagmamahal at pag nawala yang dahilan na yan, wala na rin ang pagmamahal na sinasabi mo”

Tama nga bang pag alam mo ang dahilan, hindi na totoo?

Mali ba na ang sagot ko ay “mahal ko sya dahil pinagkakatiwalaan ko sya”?

Honestly, Mawawala talaga yung love na yon pag nasira yung trust na yon sa isang tao.

Pati  yung  kaibigan ko nakisagot na rin at ang sabi naman nya

“Mahal ko sya dahil sakanya ko lang naramdaman yung ganitong saya”


Hindi ko alam kung may tama o maling sagot sa tanong na yan.

Pero dahil sa paniniwalang  “pag may sagot diyan, hindi yan totoo” marami ang nagiging tanga.
Pano ba naman, famous line na ata ang  “hindi ko alam ang sagot basta mahal kita”
Nakakakilig dba? Pero pag iniwan ka o niloko, grabe mo isumpa yang ex mo.

Eh ikaw, Bakit mo siya mahal?

I didn’t mention any name pero malamang yung una mong naisip, NAPAPASAYA ka

At kung wala na kayo, siguro naman NAPASAYA ka nya. 


Napakaraming tanong na hindi natin alam kung may tamang sagot o wala,

When it comes to love, nasa atin na ang sagot na yon dahil tayo naman ang nakakaramdam. 

“Jealousy – good or bad?”

Minsan ang hirap maisip kung mas gugustuhin ko ba ang taong madaling magselos o hindi.

Pag seloso / selosa. Palaging away kasi lahat nalang ng Makita nyang katext o kausap mo,
aakalin na boylet / chic mo na agad.

Pero pag bigla naman nagbago siya at hindi na nagseselos,

tayo naman ang nagiisip na kaya hindi na siya affected ay dahil siya naman ang may iba.

Sa una, ang sarap ng feeling ng nagseselos sya kasi iniisip natin na pinagdadamot tayo

Pero sa susunod, halos masampal mo na sya dahil Napaka possessive naman ,

Na kahit kaibigan mo ang kasama mo, nababaliw na sya agad.

Kapag single ka, gusto mo may taong may nag mamay-ari sayo.

Pag taken ka, paminsan minsan nakakasawa na dahil sa paulit ulit na sistema.


“New Year’s Resolution – January Trend”

Bagong taon,  Bagong buhay.
Dahil January na naman, asahan mo. Trending na naman ang resolution na hindi naman natutupad.

Eto yung mga Kadalasan mong maririnig.

1.       DIET
Dahil kakatapos lang ng matinding kainan nung Christmas at New year, natural na nag gain ng timbang ang mga tao.  Kaya iniisip nilang mag diet ngayon, pero hindi yan masusunod, dahil “MAS MASARAP KUMAIN KESA MAGUTOM”

2.       IPON
Naubos na ang pera nung December dahil sa dami ng inaanak at pinambili na ng regalo at malamang pati crush mo, binigyan mo ng regalo o kaya naman ang lakas ng loob mo makipag date para lang magpa impress. Buti pa yung taong gusto mo, nabibigyan mo ng regalo, eh yung parents mo? Wala. Pakitang gilas sa ibang tao pero asa naman sa magulang.

At  Naisipan mo na ring mag ipon dahil BAGONG TAON, MARAMING USO. Maglalabasan na ang new gadgets, clothes, shoes at kung anu-ano pa kaya aligaga ka na namang mag ipon.

3.       PAGTITIGIL NG BISYO
Honestly, mahirap pigilan yan. Kung talagang Sunog baga ka na maya maya ka kung manigarilyo, wag ka ng umasa na maititigil mo agad yan. Pati ang pag inom mo OCASSIONALY, lalo na at kung ang okasyon eh, linggo linggo.

Jusko. ANG RESOLUTION, PANG BUONG TAON, HINDI PANG ISANG BUWAN.

Kung gusto mo talaga magbago, hindi mo naman kaylangan pang intayin ang New Year. At ang pagbabago, dedicated ka sa gagawin mo.